Saturday, September 5, 2009

Spectrum of Love



(This poem/essay was written in 1973 by Walter Rinder. It was copied by an officemate from a book back in 1977; i also copied it from her notes. Sometime in 1991, i saw a copy of the same poem hanging on the wall of an NGO colleague in Bacolod City. I loved it so much that i memorized all of more than 20 lines...I also made a Filipino translation, which follows the poem)

I love you!

There is a much greater morivation than simply my spoken words; for me to love is to commit myself freely and without reservations. I am sincerely interested in your happiness and well-being. Whatever your needs are, i will try to fulfill them and bend my values, depending on the importance of your need.

If you are lonely and need me, I will be there. If in that loneliness, you need to talk, I will listen. If you need to listen, I will talk. If you need the strength of human touch, I will touch you. If you need to be held, I will hold you. I will lie naked in body with you if that be your need. If you eed fulfillment of the flesh, I will give you that also, but only through my love.

I can only give you as much as you need, or you allow me to give. If you receive all I can give, then my love is endless and fulfilled. If you receive a portion of my love, then I will have to give others the balance i am capable of giving. I must give all that i have, being that I am.

Love is universal, love is the movement of life.

I have loved a boy, a girl, my parents, art, nature, children and myself only to the depths that i know myself. All feelings in life I find beautiful. No human being or society has the right to condemn any kind of love i feel.

I will try to be constant with you so that you will understand the core of my personality; and from that understanding, you can gain strength and security that I am acting as me. I may falter with my moods. I may project at times a strangeness that is alien to you, which may belwilder you. There will be times when you question my motives. But because people are never constant and are as changeable as the seasons, I will try to build within you a faith in my fundamental attitude and show you that my inconsistency is only for the moment and not a lasting part of me.

I will show you love now, each and everyday, for each day is lifetime. I will not defer my love or neglect it, for if i wait until tomorrow, tomorow may never come. It is like a cloud in the sky passing by, they always know you know.

If I give you kindness and understanding, then i will receive your faith. If i give you hate and dishonesty, I will receive your distrust. If i give you fear and am afraid, you will be afraid and fear me.

I will only give you what I need to receive. To what degree (amount) I give love is determined by my capability. My capability is determined by my environment, my past existence, and my understanding of Love, Truth and God. My understanding is determined by my parents, friends, places I have lived and been, all experiences that have been fed into my mind from living.

I will try to give as much love as I can. If you will show me how to give more. Or my way of expressing it, if i am sincere; sincerity being the honest realization of myself. and there is no hurt or pain intentionally involved in my life or any life my life touches.

I want to become a truly loving spirit. Let my words become a restoration of your soul.

But when speech is silent does one project the great depths of his sensitivity. When i touch you, or kiss you, or hold you, I am saying a thousand words.

KULAY NG PAG-IBIG

Mahal kita!

Hindi kayang ipahiwatig sa pagsambit lamang ng mga katagang ito and kabuuan ng nararamdaman ko para sa iyo. Para sa akin, ang pagmamahal ay isang malaya at walang pag-alinlangang pagpasya. Ninais kong maging maligaya at matiwasay ang iyong buhay. Dahil dito, susubukan kong tugunan ang iyong mga pangangaliangan. Kung napakabigat ng pasan mong crus, ipagpapaliban ko ang mahalaga sa akin, upang maiukol lamang sa iyo ang aking panahon.

Kung nalulungkot ka at kailangan mo ng kaagapay, naririyan ako. Kung sa kalungkutan mo, hanap mo ay pang-unawa, makikinig ako. Kung payo and siya mong hiling, magsasalita ako. Kung kailangan mo ng gabay, aakayin kita. Ako'y tatabi sa iyo kung nararapat. Kung hiling mo ay kaganapan ng pagnanasa, maibibigay ko rin, nguni't karugtong ng buong puso't buhay ko.

Nasa sa iyo kung nais mo o kaya mong tanggapin ang lahat ng pagmamahal na iniuukol ko. Kung tatanggapin mong lahat, ang buhay ko ay magiging matiwasay at buo. Kung kapiraso lang, mapipilitan akong ibahagi sa iba ang labis mula sa puso ko. Lahat ng pagmamahal ay kailangang ipamahagi ko, iyan ang likas sa pagkatao ko.

Ang pag-ibig ay pangkalahatan. Ito ang daloy ng buhay.

Ako'y nagmahal ng isang paslit, ng munting angel, ng sining, kalikasan, mga bata at mga magulang ko, ayon lamang sa pang-unawa ko sa sarili at sanlibutan. Pakiwari ko, lahat ay maganda at may ningning. Walang karapatan ang sinuman na humusga sa anumang pagmamahal na nadarama ko.

Susubukan kong ipadama sa iyo ang buo kong pagkatao, upang maunawaan mo ang nilalaman ng aking puso at magkaruon ka ng pananalig sa akin. Subali't maaaring magbago ang aking panlabas na anyo't asal. Maaaring ang magisnan mo'y hindi maganda at iba sa iyong nakasanayan, na siya mong ikabahala o ikatakot. May mga pagkakataon din na maghinala ka sa tunay kong pakay. Nguni't dahil ang tao'y minsan sala sa init, sala sa lamig, huhubugin ko sa iyong puso ang likas na ako. Kung lubos ang iyong pagtitiwala sa akin, maiintindihan mo na ang aking pagbabagong anyo ay pansamantala lamang at hindi pang-habang panahon.

Mamahalin kita ngayon at bawa't araw, dahil ang ngayon ay magpakailanman. Hindi ko ipagpapaliban o ipagwawalang-bahala ang pagmamahal na ito. Kung hihintayin ko pa ang bukang-liwayway, baka hindi na datnan pa ng takip-silim. Ang pagmamahal ay parang mga ulap sa kalangitan; alam nila kung nadarama mo.

Aanihin ko ang naipunla ko. Kung kabaitan at pang-unawa ang aking itinanim, susuklian mo ito ng pagtitiwala. Kung pagkamuhi at panlilinlang ang aking ipinuhunan, aakuhin ko ang iyong pagkutya. Kung takot ang maipamahagi ko, takot din ang madarama ko mula sa iyo.

Sa bawat yugto ng buhay ay natututo tayong magbigay. At ang hangganan ng pagmamahal ko ay nababatay sa aking kakayahan. Ang aking kakayahan ay naaayon sa aking kapaligiran, sa aking nakaraan, at sa aking naiiintindihan na kahulugan ng Pag-ibig, ng Katotohanan at ng Poong Maykapal. Ang aking pang-unawa ay hinubog sa diwa ng aking mga magulang at kaibigan; ng mga lunan na narating ko't nagisnan; at ng lahat na naipunla ng buhay sa aking puso't diwa.

Mamahalin kita sa abot ng aking makakaya. Kung tuturuan mo akong magmahal ng higit pa sa kakayahan ko, uusbong at lalago ito, na siya mong madarama. O, sa aking pananaw, ang pag-ibig ay katumbas ng katapatan ko, na nakasalalay sa lalim o lawak ng pang-unawa ko sa aking sarili. At ang pakikisalamuha ko sa iba, na ayon na rin sa pagtanggap ko sa aking sarili, ay walang bahid ng pasakit na sinasadya.

Nais kong maging isang nilalang na lubos na nagmamahal. Hayaan mong bawa't katagang masambit ko'y maging malamig na tubig sa tigang mong puso o uhaw na kaisipan.

Nguni't kung wala kang maririnig kundi katahimikan sa kalawakan ng iyong mundo, ito'y nagbabadya sa kalaliman ng aking nadarama. Kung ika'y dadampian ko ng haplos, hahawakan ng mayumi sa kamay, at hahalikan ng banayad sa pisngi, isang-libo't isang awit na ang naipahiwatig ng aking puso.


2 comments:

  1. I love this Tagalog translation!

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat sa tagalog na translation na ito, i needed this for my work! super thank you!

    ReplyDelete